Sunday, October 31, 2010
LOVE LETTER
Kamusta ka na akig kaibigan? Marahil ay abala ka ngayon sa pag-aaral ngunit hiling ko sana'y mabasa mo at magustuhan ang nakapagtatanggal-pagod na liham na ginawa ko para sayo kahit ikaw ay nasa ibayong dagat.
Hilaw pa sa aking mga isipan, anim na taon na ang nakalilipas, nang tayo ay mga bata pa, ang tamis at saya ng ating pinagsamahan. Naaalala ko ang mga panahong tayo ay naglalaro sa labas ng aming bahay, sa tuwing ikaw ay umuuwi dito sa Pilipinas at sa aking ninang ko kayo tumitira ng saglit na panahon. Akin ring naaalala na sa tuwing ika'y uuwi ng bansa ay hindi ko kayang magawa pang lumabas ng bahay sapagkat hindi ko alam ang gagawin kung sakali mang tayo ay magkita. Ako'y mangangamba na kapag kinausap mo'y hindi ko man lang maintindihan at hindi man lang kita mabigyan ng kasagutan. Ibang-iba nga naman ako noong tayo ay bata pa. Kung ako man ay iyong pagmamasdan ay marahil makikita mo ang tamis ng aking mga ngiti sa tuwing tayo ay magkasama at nakararamdam ng malalim na ibig sabihin na tila hindi ko maipaliwanag.
Ngunit sa saglit na panahon sabay na pagtakbo ng oras na inilaan mo ay nabalitaan ko na lamang na ika'y babalik na ulit sa inyong tirahan sa ibayong dagat, kaya naman kalungkutan at tila ba tumigil ang pag-ikot ng mundo ang unang naramdaman ng aking puso sapagkat alam nito na matagal-tagal rin ang hihintaying taon bago pa tayo muli magkita at alam rin ng aking puso na mawawalan na ang may-ari niya ng ka kalarong laging nagpapasaya at nag-aalala sa kaniya araw-araw.
Marahil ay may iniibig ka na ngayon kung saan ka man naroroon sapagkat alam kong kay gaganda ng mga dalaga riyan. Ngunit ikinatutuwa ko nang nalaman kong ako ay iyo pang naaalala sa tuwing nagkukwento ang tiyahin mo tungkol sa akin at ang ikinaagalak pa ng aking puso't-isispan ay ang iyong pagbabalik dito sa Pilipinas sa buwan ng Enero sa susunod na taon upang ganapin ang kasal ng aking ninang kung saan ang pamilya rin namin ay kasama sa mga imbitadong panauhin. Nakararamdam ako ay takot, kaba at tuwa ngunit hiling ko sana'y maaalala mo pa ako sa anim na taong lumipas sa ating buhay at nawa'y maibalik ang dating tamis ng pagsasamahan kung saan ang puso ko ay makararamdam muli ng galak na nawala sa kaniya ng maraming taon.
Ang iyong kababatang kaibigan,
Kayla
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment