Monday, October 4, 2010
ANG ALAMAT NG BUHAY KO
Lahat tayo ay may tinatagong alamat. Alamat ng ating pagkatao, alamat ng ating kanunununuan at mayroong ding alamat ng ating buhay. Dito nasasalamin kung saan at paano tayo dumating sa mundong ating ginagalawan. Ngayon ay isasalaysay ko ang alamat ng aking buhay. Mula sa father's side ang una kong isasalaysay. Ang lolo at lola ko ay nakatira sa iisang barangay sa Mandaluyong - sa Barangay Hagadan Bato. ang lolo ko ay labandero at ang lola ko naman ay isang ordinaryong maybahay. Nagkakilala sila nang sabay silang bumili sa tindahan at doon nahulog ang loob nila sa isa't-isa. Sila ay nagpakasal at nagkaroon ng limang anak - dalawang lalaki at tatlong babae. ang aking ama ang pangalawa sa pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. Ang lolo ko ang tumutustos sa kanilang mga anak nang panahon na sila'y lumalaki. Mula naman sa mother's side, ang aking lolo ay isang Ilokano at siya ay nakipagsapalaran sa probinsya ngn Mindoro dahil umalis siya sa kanilang tirahan. Nagkakilala sila sa Oriental Mindoro at sila ay nabigyan ng dalawang anak - isang babae at isang lalaki. Ang aking ina ang panganay at tito ko naman ang bunsong lalaki. Ngunit sa kasawiang palad ay namatay ng mg maaga ang aking lolo noong anim na taong gulang pa lang ang aking ina dahilan ng sakit at simula noon ay hindi na nag-asawa ang aking lola at siya ang tumayo bilang ama at ina ng bahay. Noong nabubuhay pa ang aking lolo ay isa siyang manggugupit sa kanilang bario ngunit noong siya ay nawala, tumutulong na lamang ang aking lola sa pagbubukid ng kanyang ama upang tustusan ang kanyang dalawang anak at siya rin ay namasukan bilang katulong kasama ng anak niyang lalaki upang sila ay mabuhay ng matiwasay. Noong nasa tamang gulang na ang aking ina ay napagdesisyunang lumuwas ng Maynila upang magtrabaho, hanggang sa dumating ang araw na nagkakilala ang aking ama't-ina. Nagtatrabaho ang aking ama sa AMKOR ANAM at noon ay nakita niya ang aking ina sa boarding house sa Alabang sapagkat ang aking ina ay nagtatrabaho sa isang Electronics Firm at doon nanirahan sa kanilang boarding house. Simula noon ay nahulog na ang kanilang loob sa isa't-isa at nabiyayaan sila ng tatlong anak. Ang panganay na babae, ang panggitnang anak na lalaki at ang bunsong anak. At ngayon, kaming pamilya ay masayang nainirahan sa Lungsod ng Muntinlupa at may kanya-kanyang responsibilidad na dapat gampanan. At dito nagtatapos ang alamat ng buhay ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment