Sunday, October 31, 2010

LOVE LETTER



Kamusta ka na akig kaibigan? Marahil ay abala ka ngayon sa pag-aaral ngunit hiling ko sana'y mabasa mo at magustuhan ang nakapagtatanggal-pagod na liham na ginawa ko para sayo kahit ikaw ay nasa ibayong dagat.

Hilaw pa sa aking mga isipan, anim na taon na ang nakalilipas, nang tayo ay mga bata pa, ang tamis at saya ng ating pinagsamahan. Naaalala ko ang mga panahong tayo ay naglalaro sa labas ng aming bahay, sa tuwing ikaw ay umuuwi dito sa Pilipinas at sa aking ninang ko kayo tumitira ng saglit na panahon. Akin ring naaalala na sa tuwing ika'y uuwi ng bansa ay hindi ko kayang magawa pang lumabas ng bahay sapagkat hindi ko alam ang gagawin kung sakali mang tayo ay magkita. Ako'y mangangamba na kapag kinausap mo'y hindi ko man lang maintindihan at hindi man lang kita mabigyan ng kasagutan. Ibang-iba nga naman ako noong tayo ay bata pa. Kung ako man ay iyong pagmamasdan ay marahil makikita mo ang tamis ng aking mga ngiti sa tuwing tayo ay magkasama at nakararamdam ng malalim na ibig sabihin na tila hindi ko maipaliwanag.

Ngunit sa saglit na panahon sabay na pagtakbo ng oras na inilaan mo ay nabalitaan ko na lamang na ika'y babalik na ulit sa inyong tirahan sa ibayong dagat, kaya naman kalungkutan at tila ba tumigil ang pag-ikot ng mundo ang unang naramdaman ng aking puso sapagkat alam nito na matagal-tagal rin ang hihintaying taon bago pa tayo muli magkita at alam rin ng aking puso na mawawalan na ang may-ari niya ng ka kalarong laging nagpapasaya at nag-aalala sa kaniya araw-araw.

Marahil ay may iniibig ka na ngayon kung saan ka man naroroon sapagkat alam kong kay gaganda ng mga dalaga riyan. Ngunit ikinatutuwa ko nang nalaman kong ako ay iyo pang naaalala sa tuwing nagkukwento ang tiyahin mo tungkol sa akin at ang ikinaagalak pa ng aking puso't-isispan ay ang iyong pagbabalik dito sa Pilipinas sa buwan ng Enero sa susunod na taon upang ganapin ang kasal ng aking ninang kung saan ang pamilya rin namin ay kasama sa mga imbitadong panauhin. Nakararamdam ako ay takot, kaba at tuwa ngunit hiling ko sana'y maaalala mo pa ako sa anim na taong lumipas sa ating buhay at nawa'y maibalik ang dating tamis ng pagsasamahan kung saan ang puso ko ay makararamdam muli ng galak na nawala sa kaniya ng maraming taon.

Ang iyong kababatang kaibigan,
Kayla

Friday, October 22, 2010

WEBPAGE




Pasensya po sa istorbo
Kami sa inyo'y magpapahayag lang po
Gagawa kami ng sariling webpage niyo
Kasama kaming mga anak niyo

First year pa lang, kami na ay hinubog niyo
Pinasok kami sa mundo ng kompyuter mo
Sambit mo sa amin lagi "hands on na kayo!"
At isa sa mga kaklase nami'y sumisigaw "lab na tayo!"

Walang humpay na problema ang ibinibigay
Hindi mawaglit sa iyong isipan kung paano susulusyunan
Kahit pasikreto man, nakikita nami'y ika'y gumagalaw
Patawad po, o Maam Tani

Salamat po sa lahat
Lalo na sa napahabang pasensya
Nagkamali ka dahil di kami nakalimot
HAPPY WORLD TEACHER'S DAY PO!

God bless po :)

A letter for Mrs. Bautista

PISIKA




Nahuli man aming bati
Ngunit kami naman sayo'y babawi
Itong tulang aming handog
Dinggin mo sana nang lubos

Force of gravity mo noong nakaraang taon
Mga dalagita'y nagexhibit sa free fall
Sa inapply mong force sa pagtuturo sa amin
Tila hindi na namin natagpuan ang friction

Nahati man kaming seniors sa dalawa
Share of equilibrium mo parin ang nanaig
Tuwing ika'y tititig sa amin
Tila Law of Interaction ay tumatama sa amin

Sir V, hindi lang si Aurea.... hindi lang si Kayla
Nguit marami kami.... babati sayong
HAPPY WORLD TEACHER'S DAY PO!
Salamat po sa elasticity ng relasyon natin

God bless po :)

A letter for Sr. Vinluan

Sunday, October 17, 2010

SABIT-SABIT NA DAAN




Batis ba'y susuungin
o kaya'y sulungin ang dagat
Pangarap ba'y pagsisikapin
O buhay hayaan na lang sa agimat
Kailangan ba ang mga ilaw
Upang maging matagumpay
Mga kumukutitap na ilaw
Upang maging masaya sa buhay
Sundin ang mga usapan
Sundin ang galit
Sundin mga bulung-bulungan
Kung saan mga desisyo'y namimilit?
Sundin ang tibok ng aking puso
Sundin ang aking isipan
Sa aki'y anong mabubuo?
Anong maaaring kahantungan?

Saturday, October 9, 2010

PARA SA AKING MGA MAGULANG




Mom, Dad bago po ako makarating ng kolehiyo ay gusto ko sanang bigyan kayo ng isang simpleng pasasalamat na mensahe. Una po sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa suportang ibinigay niyo sa aking mula noong bata pa ako at dahil sa inyong pagdidisiplina ay lumaki ako ng maayos. Nawa'y patawarin niyo ako sa mga kasalanang nagawa ko noon pa man lalo na sa pagiging matigas ang ulo at pagiging tamad. Noong nagrecollection po kami ay doon ko naramdaman kung gaano kahirap ang maging magulang kaya naman gusto ko po sanang suklian ang kahat ng ito para sa inyo at ngayon po ay inuumpsihan ko na sapagkat gusto kong mapasaya ko kayo. Salamat po sa lahat. God bless you po.

GRIPU



Waring sa ganda mo ko'y natulala
Ang iyong pagkatao ay mahiwaga
Di ko man lang namalayan ang salita
Ng mga taong patuloy nagtataka

Lumapit, hinawakan ang aking mukha
Ng iyong mga kamay na pagdiwata
May mga bagay kang kusang naalala
Nagmamahalan tayo nung tayo'y bata pa

At tayo nga'y pinatagpo ng tadhana
Tuparin ang pangako sa isa't-isa
Na tayo'y hindi magkakahiwalay pa
At habang buhay tayo ay magsasama

SENIORS!!



itong tulang handog ko
para sa mga taong nakasama ko
sa buong apat na taon
at ngayon tila ba maglalaho

ako'y nagpapasalamat sa inyo
sa pagiging parte ng buhay ko
nagpapasaya sa buong araw
ngunit magpapaiyak sa ating huling araw

sa limang buwan na natitira
tila ba ayaw ko ng tumigil
ang mga oras na mamamalagi
sa ating pagsasama

sa pagsuot natin ng toga
sa paghawak natin sa diploma
sa buwan ng marso
para bang ayaw ko ng dumating

taong 2011, huling taon natin
sa eskuwelahang nagbigay sa ating
kaalamang makatutulong
sa paghantong natin ng kolehiyo

salamat o SNSM
sa paghubog mo sa amin
sa lahat ng aming naransang hirap
ngunit sa kabila'y puno rin naman ng saya

seniors batch 2010-2011
salamat sa lahat ng ating pinagsamahan
alam kong hanggang sa araw na tayo'y magkakahiwalay
ay di ko kayo kalilimutan

God bless you all :)

PARA SA AKING KABABATA




kamusta ka na aking kaibigan?
tila ba ilang taon na ang nagdaan
ngunit panahon tila di nagbabago
patuloy ka paring nasa isip ko

bakit nga ba ganito?
marahil tuluyan na akong naglaho
sa mga isipan mong malayo
na sa aki'y para bang nabigo

ako'y tila umaasa
na balang araw tayo'y magkikita
at wala nang makapipigil pa
sa saya na aking madarama

Monday, October 4, 2010

ANG ALAMAT NG BUHAY KO




Lahat tayo ay may tinatagong alamat. Alamat ng ating pagkatao, alamat ng ating kanunununuan at mayroong ding alamat ng ating buhay. Dito nasasalamin kung saan at paano tayo dumating sa mundong ating ginagalawan. Ngayon ay isasalaysay ko ang alamat ng aking buhay. Mula sa father's side ang una kong isasalaysay. Ang lolo at lola ko ay nakatira sa iisang barangay sa Mandaluyong - sa Barangay Hagadan Bato. ang lolo ko ay labandero at ang lola ko naman ay isang ordinaryong maybahay. Nagkakilala sila nang sabay silang bumili sa tindahan at doon nahulog ang loob nila sa isa't-isa. Sila ay nagpakasal at nagkaroon ng limang anak - dalawang lalaki at tatlong babae. ang aking ama ang pangalawa sa pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. Ang lolo ko ang tumutustos sa kanilang mga anak nang panahon na sila'y lumalaki. Mula naman sa mother's side, ang aking lolo ay isang Ilokano at siya ay nakipagsapalaran sa probinsya ngn Mindoro dahil umalis siya sa kanilang tirahan. Nagkakilala sila sa Oriental Mindoro at sila ay nabigyan ng dalawang anak - isang babae at isang lalaki. Ang aking ina ang panganay at tito ko naman ang bunsong lalaki. Ngunit sa kasawiang palad ay namatay ng mg maaga ang aking lolo noong anim na taong gulang pa lang ang aking ina dahilan ng sakit at simula noon ay hindi na nag-asawa ang aking lola at siya ang tumayo bilang ama at ina ng bahay. Noong nabubuhay pa ang aking lolo ay isa siyang manggugupit sa kanilang bario ngunit noong siya ay nawala, tumutulong na lamang ang aking lola sa pagbubukid ng kanyang ama upang tustusan ang kanyang dalawang anak at siya rin ay namasukan bilang katulong kasama ng anak niyang lalaki upang sila ay mabuhay ng matiwasay. Noong nasa tamang gulang na ang aking ina ay napagdesisyunang lumuwas ng Maynila upang magtrabaho, hanggang sa dumating ang araw na nagkakilala ang aking ama't-ina. Nagtatrabaho ang aking ama sa AMKOR ANAM at noon ay nakita niya ang aking ina sa boarding house sa Alabang sapagkat ang aking ina ay nagtatrabaho sa isang Electronics Firm at doon nanirahan sa kanilang boarding house. Simula noon ay nahulog na ang kanilang loob sa isa't-isa at nabiyayaan sila ng tatlong anak. Ang panganay na babae, ang panggitnang anak na lalaki at ang bunsong anak. At ngayon, kaming pamilya ay masayang nainirahan sa Lungsod ng Muntinlupa at may kanya-kanyang responsibilidad na dapat gampanan. At dito nagtatapos ang alamat ng buhay ko.