Saturday, January 29, 2011
OUR LAST OUTBOUND IN SNSM
January 22,2011 ang isa sa pinakamasaya at hinding-hindi ko malilimutang pangyayari sa huling taon ko sa hayskul. Ito ang huli naming outbound sa SNSM. 6:15 A.M. kami umalis sa school. Bago kami pumunta sa aming Bataan, nagstop-over muna kami sa NLEX station. Bumili kami ng breakfast namin pati snacks habang nasa biyahe. 5 oras ang biyahe mula Muntinlupa hanggang Bataan. Bataan ang una naming venue. Dito na kami kumain ng lunch. Dito pinakita samin ang cross na my elevator at pwdeng makita ang buong view ng bundok. Marahil ay mataas ang lugar, nakaramdam kami ng sobrang lamig. Pinakita rin samin ang History tulad ng mga description at pictures noong World War II at History ng Digmaan sa Bataan. Doon ko nalaman ang hirap na kinahinatnan ng bansang Pilipinas laban sa mga Hapon. Laking pasasalamat natin sa mga Amerikano sa pagtulong nila sa atin. Pangalawa naming pinuntahan ay ang Zoobic Safari sa Subic Zambales. Isang oras mula Bataan. Pinuntahan namin ang Zoobic Cave, Forbidden Cave, Croco Loco, at Tiger Safari.Nakita namin yung mga preserved animals, crocodiles pati mga tigers. Doon ko nalaman na ang mga tigre pala ang pinakamalaking form ng cat. Ang huli naming pinuntahan ay Duty Free. Doon muna kami ngstop-over bago umuwi. Pagkatapos pumunta kami sa pasalubong station. Iyon ang huli naming pinuntahan. Sobrang pagod na pagod kami pagkauwi pero masaya at malungkot dahil huli na naming outbound ito sa SNSM.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment