Nakatayo ang ako sa gitna ng dalawang daan.
Mahaba at lubak-lubak ang daan sa kanan.
Ang halama'y patay at walang kabuhay-buhay.
Tigang ang lupa at uhaw sa ulan.
Pinagkait sa yamang likas ni kalikasan.
Sa dakong kaliwa'y puno ng buhay.
Mga halama'y nagsusulputan, berde pa ang kulay.
Mga bulaklak at puno'y nagsasayawan.
Diretso ang daanan,tuloy-tuloy pa ang lakaran.
Ngunit pinili ko ang tigang na daan.
Alam kong di ganoon kadali ang paglalakbay.
May hirap at pagtitiis na kakailanganin,
Upang makuntento sa aking lalakbayin.
No comments:
Post a Comment