Takot ka na mahalin ako sa pagaakalang di magtagal, Ika'y iiwan ko.
Sa pagaakalang sa pagdaan ng araw, Ika'y kakalimutan ko.
Iniisip mo na tulad ko din sila, na iiwan ka.
Paniniwalang di ako naiiba sa kanila.
Pero tulad mo nangangamba rin ako.
Takot na rin ako magmahal tulod mo.
Nangangamba na baka ako'y masaktan muli.
Tulad nila, baka ako'y iwan mo rin.
Pero heto ako, muling susubuking ibigin ka.
Anu man ang mangyari, anu man ang maging resulta.
Dahil ayokong magsisi sa bandang huli.
Kaya heto ako muli at iibig.
Kaya irog ko, di lang ikaw ang nangangamba.
Tayo'y kapwa biktima.
Pero walang masamang magmahal muli.
Di naman habang buhay tayo'y umiwas sa tamis ng pagibig.
Kaya irog, sana'y maintindihan mo.
Pagibig ko sayo'y totoo.
Atin sanang subukin muli.
Kung gaano kasarap ang Tamis ng Pagibig....
------Tina :]
Sunday, November 7, 2010
Siya....
Sa tuwing ako'y naguguluhan, nililinawan Mo ang isip ko.
Sa bawat problemang kinakaharap ko, nandyan Ka at laging nakasaklolo.
Sa bawat paghihirap na hinaharap ko, handa Kang nakaagapay.
Sa aking kalungkutan, pinapalitan Mo ng kaligayahang walang humpay.
Ngunit sa kabila noon, nagkasala ako.
Kinalimutan Ka at nalulong sa bisyo.
Tinaksil Ka at nakipagsugal sa diyablo.
Tinaya ang aking buhay at siyang natalo.
Ako'y nagmakaawa at tinanggap Mo ako muli.
Kung di dahil Sayo ako ngayo'y sawi.
Tinanong ko ang kapalit ng lahat ng ito.
Di ka sumagot at nginitian Mo lamang ako.
Unti-unting tumulo ang aking luha at biglang napaluhod ako.
Tinayo Mo akoat siyang pinunasan luha ko.
Diyos ko! Walang humpay na pasasalamat ang hatid ko.
Buong buhay ko ilalaan lamang Sayo.
-----------tina
this poem is saying that through everything we've done God will always be there and forgive us..ready to accept us. We just need to look up to God and trust him more.

Subscribe to:
Posts (Atom)