Saturday, January 29, 2011

OUR LAST OUTBOUND IN SNSM


















January 22,2011 ang isa sa pinakamasaya at hinding-hindi ko malilimutang pangyayari sa huling taon ko sa hayskul. Ito ang huli naming outbound sa SNSM. 6:15 A.M. kami umalis sa school. Bago kami pumunta sa aming Bataan, nagstop-over muna kami sa NLEX station. Bumili kami ng breakfast namin pati snacks habang nasa biyahe. 5 oras ang biyahe mula Muntinlupa hanggang Bataan. Bataan ang una naming venue. Dito na kami kumain ng lunch. Dito pinakita samin ang cross na my elevator at pwdeng makita ang buong view ng bundok. Marahil ay mataas ang lugar, nakaramdam kami ng sobrang lamig. Pinakita rin samin ang History tulad ng mga description at pictures noong World War II at History ng Digmaan sa Bataan. Doon ko nalaman ang hirap na kinahinatnan ng bansang Pilipinas laban sa mga Hapon. Laking pasasalamat natin sa mga Amerikano sa pagtulong nila sa atin. Pangalawa naming pinuntahan ay ang Zoobic Safari sa Subic Zambales. Isang oras mula Bataan. Pinuntahan namin ang Zoobic Cave, Forbidden Cave, Croco Loco, at Tiger Safari.Nakita namin yung mga preserved animals, crocodiles pati mga tigers. Doon ko nalaman na ang mga tigre pala ang pinakamalaking form ng cat. Ang huli naming pinuntahan ay Duty Free. Doon muna kami ngstop-over bago umuwi. Pagkatapos pumunta kami sa pasalubong station. Iyon ang huli naming pinuntahan. Sobrang pagod na pagod kami pagkauwi pero masaya at malungkot dahil huli na naming outbound ito sa SNSM.

Saturday, January 1, 2011

NEW YEAR'S EVE

Happy New Year ! Thank You Lord for the blessed year that you gave to me. Our family didn't fired up fireworks this new year's eve. There are lots of news reports that it's very dangerous for the people to light up fireworks because it can harm anyone that uses it. So my brother just played our sound system and we dance all night! We went to our tita's house who was a balikbayan. There were lots of foods in stored for the visitors. I'm somewhat jealous for those who had fireworks and fired it up in the twelve of midnight. We used to do it every year :( This upcoming year I won't prepare mu new year's resolution. I'm not used to it. Haha. But I have a lot of wishes and I pray that it'll come true.


HAVE A BLESSED NEW YEAR EVERYONE!!

NOCHE BUENA AND CHRISTMAS SEASON

Merry CHRIST-mas to all of you. Super happy this holiday season especially its the birthday of our Savior Lord Jesus Christ. Of course its not about receiving precious gifts but it's all about giving and remembering how Jesus Christ died for us to cleanse us from our sins. Our family celebrated the noche buena here in our house. I'm grateful that for the second time, I had the chance to give them something special that they could use in their everyday life. The next day was CHRIST-mas day so our family went to Tagaytay to spend our time with each other. We ate our Merienda-Dinner at Army Navy and had some walk. We also took a picture of Taal Volcano abd it's so beautiful though I was so cold while taking pics. Well that's just how I celebrated my Noche Buena and CHRIST-mas season woth my family.

Saturday, December 18, 2010

SENIORS CHRISTMAS PARTY











The Seniors Batch 2010-2011 held our very own Christmas Party before the end of the year. There were lots of games, yummy foods and beautiful gifts for all of us. Aurea and Luiz was the MC of the day. Then I was chosen to lead the opening prayer. Afterwards, nagstart na yung game. The first game was coin relay, and by partner yung mga kasali and Kmher and Alex was gone. Next was paper dance. Same as the first game and my partner was Kevin but ufortunately, we didn't won. It was Jovian and Miguel. Next game was Trip to Jerusalem but iba yung mechanics. Yung mga boys yung nakaupo sa chair then mga girls yung uupo. Jaque won the game. Last was Shoot mo Straw mo and it was Eve who gained the victory of the last game! Then it was eating time! Last sa program yung bigayan ng gifts.You should describe kung sinong nabunot mo then message for him/her. Si Patricia yung nabunot ko then si Justin Dale yung nagbigay ng gifts sakin. i received lots of gifts from my friends! Thanks guys! After the party my friends and I went to SM Las Piñas to hang-out before the hollidays! Happy day for all of us!!

SENIORS CHRISTMAS PARTY

Friday, December 17, 2010

CHRISTMAS PROGRAM 12-17-10



















December 17,2010 is a blessed day for all the fourth year students. Hindi lang dahil bakasyon na at mahaba-habang tulugan kundi nagpapasalamat kami sa pagkakataong magkaron ng isang napakagandang performance para sa nalalapit na pasko. We gained victory over the other high school levels with the score of 9.6 out of 10. Akala namin nung final rehearsal matatalo kami dahil sa performance level pero bumawi kami! Ilang beses kami pinagalitan ni Sr. Vinluan pero dahil dun nagkaron kami ng confidence para lumaban! Para maprove na we are the seniors! Theatrical yung theme namin. Si Anna yung pinakahighlight kasi siya yung batang iniwan ng parents at akala niya na hindi na sila babalik. Dun nakita niyang maraming gits sa bahay nila. Pagopen ng box nabuhay yung mga dolls. At the end bumalik yung parents niya para sa anak nila. We sang KUMUKUTI-KUTITAP and SANA NGAYONG PASKO. Thank you po Sr. Vinluan and Mrs. Bautista for the hard work! And thank you too seniors for that good performance!!

ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR TO ALL!! GOD BLESS YOU!!

Sunday, November 7, 2010

Tamis ng Pagibig.....

Takot ka na mahalin ako sa pagaakalang di magtagal, Ika'y iiwan ko.
Sa pagaakalang sa pagdaan ng araw, Ika'y kakalimutan ko.
Iniisip mo na tulad ko din sila, na iiwan ka.
Paniniwalang di ako naiiba sa kanila.

Pero tulad mo nangangamba rin ako.
Takot na rin ako magmahal tulod mo.
Nangangamba na baka ako'y masaktan muli.
Tulad nila, baka ako'y iwan mo rin.

Pero heto ako, muling susubuking ibigin ka.
Anu man ang mangyari, anu man ang maging resulta.
Dahil ayokong magsisi sa bandang huli.
Kaya heto ako muli at iibig.

Kaya irog ko, di lang ikaw ang nangangamba.
Tayo'y kapwa biktima.
Pero walang masamang magmahal muli.
Di naman habang buhay tayo'y umiwas sa tamis ng pagibig.

Kaya irog, sana'y maintindihan mo.
Pagibig ko sayo'y totoo.
Atin sanang subukin muli.
Kung gaano kasarap ang Tamis ng Pagibig....

------Tina :]

Siya....

Sa tuwing ako'y naguguluhan, nililinawan Mo ang isip ko.
Sa bawat problemang kinakaharap ko, nandyan Ka at laging nakasaklolo.
Sa bawat paghihirap na hinaharap ko, handa Kang nakaagapay.
Sa aking kalungkutan, pinapalitan Mo ng kaligayahang walang humpay.
Ngunit sa kabila noon, nagkasala ako.
Kinalimutan Ka at nalulong sa bisyo.
Tinaksil Ka at nakipagsugal sa diyablo.
Tinaya ang aking buhay at siyang natalo.
Ako'y nagmakaawa at tinanggap Mo ako muli.
Kung di dahil Sayo ako ngayo'y sawi.
Tinanong ko ang kapalit ng lahat ng ito.
Di ka sumagot at nginitian Mo lamang ako.
Unti-unting tumulo ang aking luha at biglang napaluhod ako.
Tinayo Mo akoat siyang pinunasan luha ko.
Diyos ko! Walang humpay na pasasalamat ang hatid ko.
Buong buhay ko ilalaan lamang Sayo.

-----------tina
this poem is saying that through everything we've done God will always be there and forgive us..ready to accept us. We just need to look up to God and trust him more.

Sunday, October 31, 2010

LOVE LETTER



Kamusta ka na akig kaibigan? Marahil ay abala ka ngayon sa pag-aaral ngunit hiling ko sana'y mabasa mo at magustuhan ang nakapagtatanggal-pagod na liham na ginawa ko para sayo kahit ikaw ay nasa ibayong dagat.

Hilaw pa sa aking mga isipan, anim na taon na ang nakalilipas, nang tayo ay mga bata pa, ang tamis at saya ng ating pinagsamahan. Naaalala ko ang mga panahong tayo ay naglalaro sa labas ng aming bahay, sa tuwing ikaw ay umuuwi dito sa Pilipinas at sa aking ninang ko kayo tumitira ng saglit na panahon. Akin ring naaalala na sa tuwing ika'y uuwi ng bansa ay hindi ko kayang magawa pang lumabas ng bahay sapagkat hindi ko alam ang gagawin kung sakali mang tayo ay magkita. Ako'y mangangamba na kapag kinausap mo'y hindi ko man lang maintindihan at hindi man lang kita mabigyan ng kasagutan. Ibang-iba nga naman ako noong tayo ay bata pa. Kung ako man ay iyong pagmamasdan ay marahil makikita mo ang tamis ng aking mga ngiti sa tuwing tayo ay magkasama at nakararamdam ng malalim na ibig sabihin na tila hindi ko maipaliwanag.

Ngunit sa saglit na panahon sabay na pagtakbo ng oras na inilaan mo ay nabalitaan ko na lamang na ika'y babalik na ulit sa inyong tirahan sa ibayong dagat, kaya naman kalungkutan at tila ba tumigil ang pag-ikot ng mundo ang unang naramdaman ng aking puso sapagkat alam nito na matagal-tagal rin ang hihintaying taon bago pa tayo muli magkita at alam rin ng aking puso na mawawalan na ang may-ari niya ng ka kalarong laging nagpapasaya at nag-aalala sa kaniya araw-araw.

Marahil ay may iniibig ka na ngayon kung saan ka man naroroon sapagkat alam kong kay gaganda ng mga dalaga riyan. Ngunit ikinatutuwa ko nang nalaman kong ako ay iyo pang naaalala sa tuwing nagkukwento ang tiyahin mo tungkol sa akin at ang ikinaagalak pa ng aking puso't-isispan ay ang iyong pagbabalik dito sa Pilipinas sa buwan ng Enero sa susunod na taon upang ganapin ang kasal ng aking ninang kung saan ang pamilya rin namin ay kasama sa mga imbitadong panauhin. Nakararamdam ako ay takot, kaba at tuwa ngunit hiling ko sana'y maaalala mo pa ako sa anim na taong lumipas sa ating buhay at nawa'y maibalik ang dating tamis ng pagsasamahan kung saan ang puso ko ay makararamdam muli ng galak na nawala sa kaniya ng maraming taon.

Ang iyong kababatang kaibigan,
Kayla

Friday, October 22, 2010

WEBPAGE




Pasensya po sa istorbo
Kami sa inyo'y magpapahayag lang po
Gagawa kami ng sariling webpage niyo
Kasama kaming mga anak niyo

First year pa lang, kami na ay hinubog niyo
Pinasok kami sa mundo ng kompyuter mo
Sambit mo sa amin lagi "hands on na kayo!"
At isa sa mga kaklase nami'y sumisigaw "lab na tayo!"

Walang humpay na problema ang ibinibigay
Hindi mawaglit sa iyong isipan kung paano susulusyunan
Kahit pasikreto man, nakikita nami'y ika'y gumagalaw
Patawad po, o Maam Tani

Salamat po sa lahat
Lalo na sa napahabang pasensya
Nagkamali ka dahil di kami nakalimot
HAPPY WORLD TEACHER'S DAY PO!

God bless po :)

A letter for Mrs. Bautista

PISIKA




Nahuli man aming bati
Ngunit kami naman sayo'y babawi
Itong tulang aming handog
Dinggin mo sana nang lubos

Force of gravity mo noong nakaraang taon
Mga dalagita'y nagexhibit sa free fall
Sa inapply mong force sa pagtuturo sa amin
Tila hindi na namin natagpuan ang friction

Nahati man kaming seniors sa dalawa
Share of equilibrium mo parin ang nanaig
Tuwing ika'y tititig sa amin
Tila Law of Interaction ay tumatama sa amin

Sir V, hindi lang si Aurea.... hindi lang si Kayla
Nguit marami kami.... babati sayong
HAPPY WORLD TEACHER'S DAY PO!
Salamat po sa elasticity ng relasyon natin

God bless po :)

A letter for Sr. Vinluan

Sunday, October 17, 2010

SABIT-SABIT NA DAAN




Batis ba'y susuungin
o kaya'y sulungin ang dagat
Pangarap ba'y pagsisikapin
O buhay hayaan na lang sa agimat
Kailangan ba ang mga ilaw
Upang maging matagumpay
Mga kumukutitap na ilaw
Upang maging masaya sa buhay
Sundin ang mga usapan
Sundin ang galit
Sundin mga bulung-bulungan
Kung saan mga desisyo'y namimilit?
Sundin ang tibok ng aking puso
Sundin ang aking isipan
Sa aki'y anong mabubuo?
Anong maaaring kahantungan?

Saturday, October 9, 2010

PARA SA AKING MGA MAGULANG




Mom, Dad bago po ako makarating ng kolehiyo ay gusto ko sanang bigyan kayo ng isang simpleng pasasalamat na mensahe. Una po sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa suportang ibinigay niyo sa aking mula noong bata pa ako at dahil sa inyong pagdidisiplina ay lumaki ako ng maayos. Nawa'y patawarin niyo ako sa mga kasalanang nagawa ko noon pa man lalo na sa pagiging matigas ang ulo at pagiging tamad. Noong nagrecollection po kami ay doon ko naramdaman kung gaano kahirap ang maging magulang kaya naman gusto ko po sanang suklian ang kahat ng ito para sa inyo at ngayon po ay inuumpsihan ko na sapagkat gusto kong mapasaya ko kayo. Salamat po sa lahat. God bless you po.

GRIPU



Waring sa ganda mo ko'y natulala
Ang iyong pagkatao ay mahiwaga
Di ko man lang namalayan ang salita
Ng mga taong patuloy nagtataka

Lumapit, hinawakan ang aking mukha
Ng iyong mga kamay na pagdiwata
May mga bagay kang kusang naalala
Nagmamahalan tayo nung tayo'y bata pa

At tayo nga'y pinatagpo ng tadhana
Tuparin ang pangako sa isa't-isa
Na tayo'y hindi magkakahiwalay pa
At habang buhay tayo ay magsasama

SENIORS!!



itong tulang handog ko
para sa mga taong nakasama ko
sa buong apat na taon
at ngayon tila ba maglalaho

ako'y nagpapasalamat sa inyo
sa pagiging parte ng buhay ko
nagpapasaya sa buong araw
ngunit magpapaiyak sa ating huling araw

sa limang buwan na natitira
tila ba ayaw ko ng tumigil
ang mga oras na mamamalagi
sa ating pagsasama

sa pagsuot natin ng toga
sa paghawak natin sa diploma
sa buwan ng marso
para bang ayaw ko ng dumating

taong 2011, huling taon natin
sa eskuwelahang nagbigay sa ating
kaalamang makatutulong
sa paghantong natin ng kolehiyo

salamat o SNSM
sa paghubog mo sa amin
sa lahat ng aming naransang hirap
ngunit sa kabila'y puno rin naman ng saya

seniors batch 2010-2011
salamat sa lahat ng ating pinagsamahan
alam kong hanggang sa araw na tayo'y magkakahiwalay
ay di ko kayo kalilimutan

God bless you all :)

PARA SA AKING KABABATA




kamusta ka na aking kaibigan?
tila ba ilang taon na ang nagdaan
ngunit panahon tila di nagbabago
patuloy ka paring nasa isip ko

bakit nga ba ganito?
marahil tuluyan na akong naglaho
sa mga isipan mong malayo
na sa aki'y para bang nabigo

ako'y tila umaasa
na balang araw tayo'y magkikita
at wala nang makapipigil pa
sa saya na aking madarama

Monday, October 4, 2010

ANG ALAMAT NG BUHAY KO




Lahat tayo ay may tinatagong alamat. Alamat ng ating pagkatao, alamat ng ating kanunununuan at mayroong ding alamat ng ating buhay. Dito nasasalamin kung saan at paano tayo dumating sa mundong ating ginagalawan. Ngayon ay isasalaysay ko ang alamat ng aking buhay. Mula sa father's side ang una kong isasalaysay. Ang lolo at lola ko ay nakatira sa iisang barangay sa Mandaluyong - sa Barangay Hagadan Bato. ang lolo ko ay labandero at ang lola ko naman ay isang ordinaryong maybahay. Nagkakilala sila nang sabay silang bumili sa tindahan at doon nahulog ang loob nila sa isa't-isa. Sila ay nagpakasal at nagkaroon ng limang anak - dalawang lalaki at tatlong babae. ang aking ama ang pangalawa sa pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. Ang lolo ko ang tumutustos sa kanilang mga anak nang panahon na sila'y lumalaki. Mula naman sa mother's side, ang aking lolo ay isang Ilokano at siya ay nakipagsapalaran sa probinsya ngn Mindoro dahil umalis siya sa kanilang tirahan. Nagkakilala sila sa Oriental Mindoro at sila ay nabigyan ng dalawang anak - isang babae at isang lalaki. Ang aking ina ang panganay at tito ko naman ang bunsong lalaki. Ngunit sa kasawiang palad ay namatay ng mg maaga ang aking lolo noong anim na taong gulang pa lang ang aking ina dahilan ng sakit at simula noon ay hindi na nag-asawa ang aking lola at siya ang tumayo bilang ama at ina ng bahay. Noong nabubuhay pa ang aking lolo ay isa siyang manggugupit sa kanilang bario ngunit noong siya ay nawala, tumutulong na lamang ang aking lola sa pagbubukid ng kanyang ama upang tustusan ang kanyang dalawang anak at siya rin ay namasukan bilang katulong kasama ng anak niyang lalaki upang sila ay mabuhay ng matiwasay. Noong nasa tamang gulang na ang aking ina ay napagdesisyunang lumuwas ng Maynila upang magtrabaho, hanggang sa dumating ang araw na nagkakilala ang aking ama't-ina. Nagtatrabaho ang aking ama sa AMKOR ANAM at noon ay nakita niya ang aking ina sa boarding house sa Alabang sapagkat ang aking ina ay nagtatrabaho sa isang Electronics Firm at doon nanirahan sa kanilang boarding house. Simula noon ay nahulog na ang kanilang loob sa isa't-isa at nabiyayaan sila ng tatlong anak. Ang panganay na babae, ang panggitnang anak na lalaki at ang bunsong anak. At ngayon, kaming pamilya ay masayang nainirahan sa Lungsod ng Muntinlupa at may kanya-kanyang responsibilidad na dapat gampanan. At dito nagtatapos ang alamat ng buhay ko.